Sino nga ba si Transparency?

19-05-2019 10:05

Ngayon ngang tapos na ang halalan ay patuloy pa rin nga na nagtatanong ang Baliwagenyos kung sino nga ba si TRANSPARENCY at bakit ganoon kalakas ang loob niya na at kung saan nga ba nanggaling ang mga impormasyon niya na akala mo isang insider, yun nga lang, baluktot ang kanyang mga kuwento at kadalasan ay imbento ito.

Sino nga ba?

Ayon sa aming insider sa kampo ng pula ay si Jovin Padilla Castro. Isang empleyado ng MIST hanggang sa siya ay magresign pagkalipas ng mga ilang araw noong magsimula ang kampanya.

Ambisyon pala ni Jovin na maging permanente sa BALIWAG POLYTECHNIC COLLEGE kaya’t sumugal siya at kumapit sa patalim.

Marahil, ang order sa kanya ay manira ng manira. Gumawa ng mga istorya para mawalan ng kredibilidad ang mga namamahala ngayon.

Nariyan na kuwestiyonin niya ang SGLG nq nakuha ng Baliwag; inupa daw ni Mayora Sonia si Dra. Dellosa sa halagang 80,000; intrigahin ang team building ng mga kapitan; insultuhin ang Municipal Administrator at siraan ng siraan si Mayor Ferdie.

Kwentong walang Kwenta

Nakakatawa ang kanyang paggawa ng mga istoryang hindi dumadalo sa meeting ng Board of Trustees si Mayor Ferdie; na aalis ang mga principal papuntang Balesin at ang mga kapitan sa Malaysia. Mayroon pang pagkakataon na inilabas ang mga litrato ng mga gate ng paaralan. Kung inyo ngang mapapansin ay halos linya ng edukasyon ang mga isyung ipinalalabas.

Kaya’t hindi maaalis sa isipan at usap-usapan naman sa munisipyo na ang source ng impormasyon ay si Carol San Juan na Technical Staff ng MA’s Office.

Hindi na nga pumasok si Gng. San Juan matapos na siya ay sitahin. Wala na rin siguro siyang mukhang ihaharap sa mga kasama.

JOVIN

Ang balita ay si Jovin Castro din pala ang nagsisilbing emcee sa caucus ng partido ni Dellosa.

Matapos nga na makumpirma na siya buhat sa impormasyon na nakalap sa kabila ay bigla naman nakumpirma ito ng dati niyang pinagtatrabahuhan. Nakaiwan sila ng mga facebook account sa ginagamit niyang computer. Naroong gamit ang account ni Listong Baliwagenyo at Joshua Santos.

Ang kwento pa ay sinisiraan din nya ang mismong may-ari ng MiST na mismong tumulong sa kanyang makabangon pagkatapos na maalis sa dati niyang trabaho sa Malacañang.

BINURANG EBIDENSIYA

Matapos nga na matalo ay binura na niya ang account nito para nga naman walang ebidensiya.

Burahin man niya ang mga pekeng accounts qq ginamit niya ay hindi niya mabubura ang mga kalokohan niyang nagawa.

Ang nasabi ay nasabi na. Naksakit, nakaloko at nakapanira na ng pangalan. Hindi dapat itong palampasin at ng hindi siya mapamarisan. Hindi katanggap tanggap sa ating kultura ang kaniyang mga ginawa para isulong ang kaniyang sariling interes.

Panagutan dapat niya ang kaniyang mga kasalanan at harapin niya ito kung gaano kalakas ang loob niyang makapanira sa likod ng mga pekeng account na Baliwag Supporters for Transparency, Joshua Santos at Listong Baliwagenyo. Panahon na nga ng paniningil, panahon na bigyan siya ng isang magandang leksyon.

Read more...